Mga Insignia

From Planet Quest Wiki
Jump to navigation Jump to search

"Ipakita ang iyong karangalan bilang isang maagang miyembro ng komunidad ng PlanetQuest at ng makatanggap ng mga espesyal na gantimpala."

Pangkalahatang Ideya[edit | edit source]

“May iba't ibang benepisyong nauugnay sa insignia, masasabi ko sa inyo na ang pinakamataas na rarity insignia na hawak sa bawat paksyon ay magkakaroon ng epekto para sa ilang benepisyo, habang sa iba pang mga bagay ang lahat ng insignia na hawak ay magkakaroon ng ilang antas ng benepisyo." - RetroBooster, Universal Council

Ayon sa Discord FAQ Channel, kung mas maaga kayong sumali sa PlanetQuest Discord, mas bihira ang inyong libreng NFT mint ng insignia. Naipamahagi na ang lahat ng Legendary, Epic, at Rare na insignia, ngunit ang Commons ay ginagawa pa rin sa mga bagong miyembro. Ang anumang mga benepisyo ng mga insignia ay para sa sinumang nagmamay-ari ng mga ito sa oras na ipamahagi ang mga benepisyo. Ang mga nagnanais ng mas bihirang mga insignia ay maaaring bilhin ang mga ito sa mga pangalawang pamilihan (ImmutableX, TokenTrove). Ang mga benepisyo ng insignia ay hindi nakabatay sa kung aling paksyon ang sinalihan mo sa Discord at ang pagmamay-ari ng mga insignia ng iba pang mga paksyon ay magbibigay parin ng mga benepisyo, kahit na hindi kayo miyembro ng paksyon na iyon.

Rarity[edit | edit source]

Kung mas bihira ang insignia, mas mababa ang supply at mas malaki ang benepisyo sa may hawak. Sa kasalukuyan ay may apat na antas ng rarity. Ang mga glitch insignia ay ang pinakabihira, ngunit mayroon silang parehong mga benepisyo gaya ng isang Legendary insignia. Naipamahagi na ang lahat ng Glitch, Legendary, Epic, at Rare insignias sa mga naunang nakilahok sa PlanetQuest. Ang mga Karaniwang Insignia ay ginagawa pa rin para sa mga bagong miyembro ng Discord at magpapatuloy ito hanggang 100,000 para sa bawat paksyon. Kung nais niyong makakuha ng mas bihirang insignia, kakailanganin niyng bilhin ito sa mga pangalawang pamilihan (ImmutableX, TokenTrove).

Rarity Imperyo Pederasyon Unyon
Glitch (Legendary) EmpireInsignia Glitch.png FederationInsignia Glitch.png UnionInsignia Glitch.png
Legendary EmpireInsignia Legendary.png FederationInsignia Legendary.png UnionInsignia Legendary.png
Epic EmpireInsignia Epic.png FederationInsignia Epic.png UnionInsignia Epic.png
Rare EmpireInsignia Rare.png FederationInsignia Rare.png UnionInsignia Rare.png
Common EmpireInsignia Common.png FederationInsignia Common.png UnionInsignia Common.png

Dami[edit | edit source]

Ang pinakabihira ay ang Glitch insignia, na may parehong mga benepisyo gaya ng sa Legendary insignia. Ang Glitch insignias ay ginawa upang makinabang ang 17 na maagang nakilahok sa laro na dahil sa "glitch" sa proseso ng pagmimint ay hindi sila nakakuha ng Legendary insignia. Ginawa ng Universal Council ang Glitch insignia para matiyak na hindi nila mapapalampas ang mga benepisyong makukuha sana nila sa pagiging isa sa unang 300 maagang nakilahok. Mayroong 17 Glitch insignia sa kabuuan.

Ang pangalawang pinakabihira ay ang Legendary insignia, mayroong humigit-kumulang 300 Legendary insignia sa kabuuan. Ang mga ito ay ginawa para sa unang 100 miyembro ng bawat paksyon sa Discord.

Ang ikatlong pinakabihira ay ang Epic insignia, mayroong humigit-kumulang 3,000 Epic Insignias. Ang mga ito ay ibinigay sa susunod na 1,000 miyembro sa bawat isa sa tatlong paksyon.

Ang pang-apat na pinakabihira ay ang Rare Insignia, mayroong humigit-kumulang 30,000 Rare insignias. Ang mga ito ay ibinigay sa susunod na 10,000 miyembro sa bawat isa sa tatlong paksyon.

Ang mga bagong miyembro ay kasalukuyang binibigyan ng Common insignias, na nililimitahan sa 100,000 miyembro ng bawat paksyon. Magkakaroon ng kabuuang 300,000 Common insignias na mailalabas. Mayroong humigit-kumulang 50,000 Karaniwang mga insignia mula sa bawat paksyon na natitira upang mamint.

Rarity Imperyo Pederasyon Unyon
Glitch (Legendary) 10 5 2
Legendary 100 101 100
Epic 1,003 1,001 1,002
Rare 10,433 10,362 10,400
Common 100,000 100,000 100,000

Kapakinabangan[edit | edit source]

Ang mga insignia ay nakumpirma na may ilang partikular na benepisyo kabilang na ang pinakamataas na ranggo na insignia na hawak ng paksyon na nilalaro ay ipapakita sa Explorer's Passport (PlanetQuest.io) ng isang user gayundin sa tabi ng pangalan ng user sa laro. Ang bawat insignia na hawak ay magkakaroon ng ilang antas na benepisyo sa may hawak, at ang pinakamataas na hawak para sa bawat pangkat ay magkakaroon ng karagdagang benepisyo habang naglalaro bilang pangkat na iyon. May mga rumored na karagdagang insignia benefits na ihahayag ng kasunod na pag-develop ng laro. Ayon sa Discord FAQ Channel, “Hindi namin iaanunsyo ang lahat ng mga benepisyo nang sabay-sabay. Bawat yugto ay nag-aanunsyo kami ng isang bagay na mahalaga, ipapaalam din namin sa inyo kung paano ito maaaring mai-uugnay sa Insignias.”

Ang unang benepisyo para sa mga may hawak ng insignia ay inihayag ng Infinity Force sa pamamagitan ng Twitter Spaces sa PQ (02/13). Ang mga may hawak ng insignia ay mabibigyan ng token ng Infinity Force, ito’y nalalapit nang ilabas.

Maaaring alam niyo na na may limitadong supply ng Insignias, ang mas bihira ay mas kaonti. Ito lang ang mga Insignia na gagawin sa PlanetQuest. Nangangahulugan din ito na alinmang Insignia ang inyong hawak, ipapakita kayo bilang isang OG Explorer sa ibang pagkakataon kapag live na ang laro. Gayundin, kapag mas marami kayong Insignia na hawak, mas maganda ang ranking na makukuha niyo para sa inyong application sa Planet Sale.

Mahalagang malaman na, ang bawat isa sa mga insignia na ito, kapag naging live na ang ating token, ay makakatanggap ng serye ng $PQX na mga airdrop. Handa na kaming ipabalita ito sainyo! Sa kabuuan, ang PQ team ay magpapalabas ng 12M $PQX, na ikakalat sa mga insignia sa loob ng 10 buwan, ibig sabihin, ang bawat insignia ay makakatanggap ng katapat na $PQX gaya ng inilalarawan sa infographic na ipapakita.

Insignia PQX Airdrop
Insignia PQX Airdrop

Pamilihan[edit | edit source]

Ang pangunahing marketplace para sa PlanetQuest insignias, at kung saan niyo makikita ang inyong NFT pagkatapos sumali sa discord, ay ang ImmutableX(IMX) Marketplace (link sa mga tagubilin tungkol sa kung paano i-access ang NFT o posibleng makita sa website). Sa tab na “Marketplace,” makikita niyo kung anong mga insignia ang kasalukuyang ibinebenta sa pamamagitan ng pagtingin sa page ng PlanetQuest. Ang inyong NFT ay matatagpuan sa ilalim ng tab na "Imbentaryo" at sa pamamagitan ng pag-click sa inyong NFT, maaari niyo itong ilista para sa pagbebenta sa IMX.

Ang pangalawang pamilihan, at ang isa na medyo mas iniakma para sa mga mamimili at nagbebenta ay TokenTrove Marketplace. Binibigyan kayo ng TokenTrove ng opsyon na tingnan ang lahat ng mga insignia na ibinebenta sa bawat rarity sa madaliang paghahanap ng UI. Maaari kayong pumili mula sa isang listahan ng mga insignia na ibinebenta sa iba't ibang mga punto ng presyo pati na rin tingnan ang Average na Pang-araw-araw na Presyo at iba pang mga istatistika upang matulungan kayong gumawa ng mahusay na desisyon.

Dahil pareho sa mga marketplace na ito ay sa pamamagitan ng IMX at L2 na Ethereum blockchain, lahat ng transaksyon ay walang gas fee. Nangangahulugan na maaari kayong bumili, magbenta, at mag-trade ng mga NFT nang hindi kinakailangang mag-alala tungkol sa pagbabayad ng mga babayarin sa gas. Ang tanging oras na kailangan niyong magbayad ng gas ay kapag maglilipat kayo ng mga pondo sa inyong IMX account, na naka-link din sa inyong digital wallet, tulad ng MetaMask. Ito ay magiging kapaki-pakinabang dahil may bahagi pagkalabas ng laro na magpapahiram kayo ng kagamitan para sa iba upang magamit nila kapalit ng royalty mula sa kung ano ang kanilang makukuha habang ginagamit ang inyong kagamitan.