Pasaporte

From Planet Quest Wiki
Jump to navigation Jump to search

Pangkalahatang Ideya[edit | edit source]

“Kapag nai-ayos niyo na ang inyong pasaporte, susubaybayan nito ang inyong progreso at magpapakita ito sa inyo ng mga paraan upang makakuha ng mga puntos. Tandaan na maaaring magtagal bago lumabas ang mga puntos pagkatapos maibigay ang mga ito.”
- Discord FAQ

Ang PlanetQuest Explorer Passport ay isang reward system para sa mga miyembro ng discord na magpapakita ng mga nakuha nilang puntos na mag-aambag sa mga in-game na benepisyo. Para ilunsad ang inyong Explorer Passport, pumunta sa planetquest.io at ikonekta ang inyong digital wallet. Ito ay kinakailangan para ma-mint ang inyong libreng NFT at ikokonekta kayo sa mga reward na makukuha niyo habang nakikilahok sa iba't ibang aktibidad sa discord. Ang Explorer Passport ay gagantimpalaan ang mga mamaaga at aktibong mga lumahok bago ang paglulunsad ng laro at malamang na magtatapos ito sa isang punto bago ilunsad ang laro.


Onboard Screen.png Passport Page.png

Mga Pakikipagsapalaran at mga Gantimpala[edit | edit source]

Passport Quests & Rewards

Mga Komendasyon[edit | edit source]

Commendations Walkthrough.png


Sampong puntos ng pasaporte ang maaaring makuha isang beses bawat araw sa pamamagitan ng pakikilahok sa discord. Ang mga puntos ng komendasyon ay ipinamamahagi sa pagpapasya ng Universal Council gayundin ng mga moderator ng PlanetQuest. Ang pinakakaraniwang paraan upang makakuha ng Mga Komendasyon ay sa pamamagitan ng pagiging matulungin sa iba at pag-aambag sa iba't ibang channel. Maaaring kabilang dito ang pagdidirekta sa mga bagong miyembro sa mahahalagang channel, pagtalakay o pagbubuod ng mga storyline, paggawa ng fan art o meme, o sa pamamagitan ng pagiging Candidate Ambassador at pag-ambag sa Pag-uugnay ng mga Kaganapan, Pagsasalin, o Pagalikha ng mga Nilalaman.


PlusFive Emoji.png Commendation Message.png


Ang mga komendasyon ay ipapamahagi ng The Commendator Bot at lalabas sa channel kung saan niyo natanggap ang mga ito kalakip ang mensaheng inyong ipinadala. Maaari niyong tingnan ang dami ng mga Komendasyon na inyong natanggap sa inyong Explorer Passport sa ilalim ng heading na "“Commendations”.


Pagre-recruit[edit | edit source]

Recruiting Walkthrough.png

Ang paghihikayat sa inyong mga kaibigan sa PlanetQuest ay isang magandang paraan para makakuha ng mga karagdagang gantimpala. Gamit ang referral link na ibinigay sa inyong Explorer Passport, maaari niyong anyayahan ang inyong mga kaibigan na lumahok sa discord. Para sa bawat taong ganap na magrerehistro gamit ang inyong natatanging link, makakatanggap kayo ng 10 reward points. Maaari niyong tingnan ang bilang ng mga referral na mayroon kayo sa inyong Explorer Passport sa ilalim ng “No. of Recruits” heading.


Storyline[edit | edit source]

Storyline Walkthrough.png Voting Walkthrough.png


Ang decentralized storyline voting (LINK) ay isa pang mahusay na paraan para makakuha ng reward points. Tuwing Miyerkules, ang Universal Council ay naglalabas ng bagong sipi ng PlanetQuest lore para basahin at pagbotohan ng komunidad. Lumilikha ng maraming story arc sa detalyadong cinematic multiverse na direktang naaapektuhan ng mga manlalaro sa kanilang pagboto. Ang kuwento ay matatagpuan sa discord na "Story" channel at pagkatapos ay susundan ng karagdagang side story sa bawat faction na "[faction name]-story" channel. Ang mga miyembro ay magkakaroon ng 12 oras upang talakayin ito bago bumoto batay sa pangkalahatang kuwento at ang kanilang natatanging haka-haka at ang desisyon ng mayorya ng mga paksyon ang magpapasiya sa aksyong gagawin ng Universal Council. Pagkatapos ay magkakaroon ng isang follow up na kuwento na ilalabas kasabay ng resulta ng botohan, tuwing Biyernes, malalaman ang epekto ng desisyon. Kapag nakumpleto niyo ang pagboto, makakakuha kayo ng tugon ng bot na kumikilala sa inyong boto sa discord. Makakatanggap kayo ng 20 reward points sa bawat pagboto ninyo. Maaari niyong tingnan ang inyong pangkalahatang mga puntos sa inyong Explorer Passport sa ilalim ng heading na "Points".

Mga Espesyal na Quests[edit | edit source]

“Sa pagdaragdag ng mga bagong social media quests, sinisimulan namin ang bagong channel ng mga anunsyo na ito - partikular na nakatuon sa pag-post ng mga bagong social media quests. Mula ngayon, ipo-post dito ang lahat ng bagong social media quests at quest related announcement. Huwag mag-atubiling subaybayan ito kung gusto niyong manatiling napapanahon sa pinakabagong balita kung paano makakuha ng higit pang mga puntos ng komendasyon, na maghahatid ng mga karagdagang perk (at posibleng mga NFT)!”
- mga social-media-quests! Discord Channel

Gumagawa ang Universal Council ng mga karagdagang paraan para makakuha ng mga reward sa Explorer Passport sa pamamagitan ng paminsan-minsang mga social media quest. Ito ay mga pansamantalang quest na naghihikayat sa mga miyembro na ifollow ang social media o makipag-ugnayan sa mga post o Medium na artikulo. Pansamantala ang mga pagkakataong ito at inirerekomenda na ifollow niyo ang "mga social-media-quests!" Discord Channel para sa kanilang mga anunsyo. Makikita rin ang mga ito sa inyong Explorer Passport sa ilalim ng heading na "Mga Quest" na may link sa anumang nais nilang ipagawa sa inyo. Kapag nakumpleto ito, ang inyong mga puntos ay makikita sa ilalim ng "Points" na heading.


Mga Gantimpala[edit | edit source]

Ang lahat ng mga referral, komendasyon, pagboto sa storyline, at mga espesyal na quests ay nagdaragdag sa inyong pangkalahatang mga puntos ng reward na makikita sa ilalim ng heading na "Points" sa inyong Explorer Passport. Ang panel na "Rewads" sa kanang bahagi ng pasaporte ay magsasaad kung anong mga perk ang na-unlock niyo sa ngayon at ang mga natitirang reward ay magiging bahagyang transparent. Ang mga karagdagang perk na ito ay ang mga sumusunod Explorer Pack Credits, Explorer Packs, at Planet Deeds ng iba't ibang rarity (Common, Rare, at Epic). Kung mas aktibo kayo, mas maraming reward na puntos ang maiipon niyo at mas maraming in-game na benepisyo ang matatanggap niyo sa paglulunsad. Magpapatuloy ang Explorer Passport Rewards hanggang sa magsasaad kami ng anunsyo bago ang paglulunsad ng laro.

Mga Puntos para Mabuksan Mga Gantimpala
25 pts 1 Explorer Insignia [Common]
50 pts 10 Explorer Pack Credits [Common]
100 pts 10 Explorer Pack Credits [Rare]
250 pts 10 Explorer Pack Credits [Epic]
500 pts 1 Explorer Pack [Common]
1000 pts 1 Explorer Pack [Rare]
2500 pts 1 Explorer Pack [Epic]
5000 pts 1 Planet Deed [Common]
10000 pts 1 Planet Deed [Rare]
25000 pts 1 Planet Deed [Epic]

Rewards Walkthrough.png


Mga Ranggo ng Paksyon[edit | edit source]

Isa sa mga unang panukala na ibinigay sa bawat paksyon ng Universal Council ay ang pagpili ng mga kinatawan ng paksyon at pagboto sa mga posibleng pangalan ng Ranggo ng Paksyon. Ang bawat paksyon ay may natatanging mga ranggo na ipapakita sa Explorer Passport ng isang manlalaro. Habang ang mga manlalaro ay nag-iipon ng mga puntos, at marahil kapag ang laro ay inilunsad na at ang mga manlalaro ay makakakuha ng karanasan sa laro, ang kanilang ranggo ay tataas ayon sa nakatalagang sistema ng pagraranggo ng kanilang paksyon. Hindi pa malinaw kung ano ang magiging epekto ng sistemang ito sa pagraranggo sa utility at gameplay sa ngayon. Ang inyong kasalukuyang Faction Rank ay makikita sa inyong Explorer Passport sa ilalim ng heading na “Rank.” Dito rin makikita ang pinakamataas na rarity insignia na hawak niyo. Huwag mag-alala at magbabahagi ang Universal Council ng higit pang impormasyon sa pagprogreso ng laro.


Faction Ranks.png


Ranggo ng Imperyo
Mga Puntos para Mabuksan Titulo at Ranggo
25 pts Servitor
50 pts Milites
100 pts Optio Centuris
250 pts Centurion
500 pts Consul
1000 pts Primus Pilus
2500 pts Striped Tribune
5000 pts Praefect
10000 pts Archon
25000 pts Hand of the Emperor


Ranggo ng Pederasyon
Mga Puntos para Mabuksan Titulo at Ranggo
25 pts Cadet
50 pts Privateer
100 pts Pathfinder
250 pts Lieutenant
500 pts Helion Commander
1000 pts Captain
2500 pts Commodore
5000 pts Pioneer
10000 pts Solarian General
25000 pts Galaxian Marshall


Ranggo ng Unyon
Mga Puntos para Mabuksan Titulo at Ranggo
25 pts Pathfinder
50 pts Wayfinder
100 pts Guide
250 pts Searcher
500 pts Voyager
1000 pts Progressor
2500 pts Horizonist
5000 pts Protector
10000 pts Visioner
25000 pts Manifestor