Ang Pagsali

From Planet Quest Wiki
Jump to navigation Jump to search

Kumonekta sa inyong Ethereum Wallet[edit | edit source]

Bago gumawa ng PlanetQuest account, kakailanganin niyong magkaroon ng Ethereum wallet.

  • Ang isang halimbawa ay Metamask (pumunta sa https://metamask.io at sa pamamagitan ng browser plug-in).
  • Tiyakin na nasa network ito ng Ethereum
Metamask Wallet.png

Paglikha ng PlanetQuest account[edit | edit source]

Sundin ang mga hakbang sa ibaba para gumawa ng PlanetQuest account.

1) Bisitahin ang https://join.planetquest.io/join

2) I-click ang “connect wallet”.

Connect wallet
Connect wallet

3) Sasabihan kayong i-link ang inyong wallet. I-click ang “connect wallet”.

Connect wallet 2
Connect wallet to Immutable

5. Kung hindi niyo pa nai-link ito sa Immutable X, kinakailangan niyo pa itong I-unlock at ang Set up key:

Unlock Immutable X
Unlock Immutable X

Set up key
Set up key

6. Tapos ay pindutin ang Authenticate wallet, Next at Sign

Authenticate wallet
Authenticate wallet

7) Piliin kung aling paksyon ang gusto niyong salihan – ang Imperyo, Unyon o Pederasyon.

Onboarding 5.png

8) ) I-click ang “link discord” para i-link ang inyong discord account sa inyong PlanetQuest account. (Siguraduhing ang inyong Discord account ay naverify na sa email at phone)

Onboarding 6.png

9) Pagkatapos na ma-click ang Link Discord, ipupunta kayo nito sa Planet Quest server, sa #unlock-discord channel, at inyong i-click ang “Unlock”.

Unlock Discord
Unlock Discord

10) Pagkatapos ng nakaraang hakbang, may mabubuo na link. At saka pindutin ito.

8-clickonlink.png

11) Ibabalik kayo sa PlanetQuest webpage at mali-link na ngayon ang inyong discord account. I-click ang "continue" upang makapagpatuloy sa pag-set-up.

Onboarding 10.png

12) Ipo-prompt kayong i-verify ang inyong email address. Pakilagay ang inyong email address at i-click ang “verify email”.

Onboarding 11.png

13) Mayroon na kayong access sa inyong pasaporte (makikita sa https://join.planetquest.io/passport).

Passport page
Passport page

(A) Maaari ng magsimulang makatanggap ng mga puntos sa pasaporte para sa pagkumpleto ng mga quest. Kasama sa mga quest, ngunit maaaring hindi limitado sa:

  • i. + 20 puntos para sa bawat bagong manlalaro na mahihikayat sa PlanetQuest, gamit ang inyong referral link.
  • ii. + 10 puntos para sa pagpapakilala ng inyong sarili sa PlanetQuest na komunidad sa discord, #introductions channel. Isa itong one-off na bonus.
  • iii. + 10 puntos ang ibinibigay ng UC at mga moderator sa mga miyembrong nag-aambag sa mga channel ng discord ng PlanetQuest. Maaari kayong makatanggap ng hindi hihigit sa isa na komendasyon bawat araw.
  • iv. + 20 puntos ang iginagawad sa bawat pagboto niyo sa storyline (isang beses kada story prompt).

(B) Ang mga puntos na makukuha sa pamamagitan ng programang ito ay makakaipon ng mga gantimpala na makukuha at magagamit niyo sa paglulunsad ng laro.

Onboarding 17.png

Magbasa pa tungkol sa Pasaporte at mga gantimpala

Pagsisimula[edit | edit source]

  • Inirerekomenda na basahin niyo ang mga channel ng #faqs, #prologue, inyong intro channel na partikular sa paksyon (hal. #federation-intro), #story, at channel ng story na partikular sa paksyon (hal. #federation-story).
  • Siguraduhing tumungo sa #introduction upang ipakilala ang inyong sarili sa komunidad at makakuha ng 10 puntos sa inyong pasaporte, at pagkatapos ay makipag-chat sa komunidad sa #general channel at sa faction-specific na chat (hal. #federation-chat).

Troubleshooting[edit | edit source]

T: Hindi ko makita ang aking pasaporte kahit na nagawa ko na ang pagpaparehistro.

S: Pakitiyak na konektado ka sa parehong Wallet – Metamask Account (ETH network) sa parehong browser. Inirerekomenda na i-clear ang cache ng inyong browser (tingnan sa ibaba para sa mga tagubilin).

T: Hindi ko mahanap ang aking insignia.

S: Dapat mong ikonekta ang parehong wallet na inirehistro mo sa PQ sa Immutable X o Tokentrove. Ang iyong mga asset ay matatagpuan sa "Inventory" sa Immutable X, at "My Account" sa TokenTrove. Bukod pa rito, makikita mo ang iyong insignia sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong wallet address sa sumusunod na link https://immutascan.io

Immutable X: https://market.x.immutable.com

TokenTrove: https://tokentrove.com

Para sa iba pang katanungan, pwede kayong tumungo sa #tech-support channel sa PlanetQuest Discord.