Imperyo

From Planet Quest Wiki
Jump to navigation Jump to search

Panimula[edit | edit source]

Empire Legendary Insignia
Ang Legendary Insignia ng Imperyo

Maligayang pagdating sa maluwalhating Imperyo! Ngayon nga ay pwede na ninyong ipagbunyi angg natatanging karangalan na nabibilang na kayo sa pinaka nangingibabaw at sopistikadong paksyon sa kilalang uniberso.

Isang kultura na binuo sa karangalan at kaluwalhatian, ang Imperyo ay puno ng tradisyon. Nangunguna sa kanila ang makapangyarihang Imperador na siyang namamahala, at iginagalang sa gitna ng mga tao. Ang ambisyon ng Imperyo ay magdala ng kapayapaan, kaluwalhatian at kaayusan sa isang magulong mundo, sa pamamagitan ng pinag-isang pananaw kung saan ibinabahagi ng lahat ng mga tao nito.

Bilang isang lubos na iginagalang na mamamayan sa ilalim ni Imperador Solas Craine - nawa'y madaig niya sa habang-buhay ang mga bituin- bahagi na kayo sa isang makasaysayang legasiya. Ang kultura at kredo ng Imperyo ay umabot sa ibayo ng pagkawasak ng sistema ng Sol, bago pa man hinanap ng sangkatauhan ang mga bituin. At paano ito magiging iba? Ang legasiya at kinabukasan ay sinigurado ng Oracle, isang sinaunang artepakto ng dakilang kapangyarihan, na umaawit lamang sa ating Emperador at sa kanyang mga Ahente, na nagbibigay sa kanila ng walang katulad na pananaw sa mga kaganapang darating.

Mula sa maningning na mga bulwagan ng Craine hanggang sa mga sagradong larangan ng digmaan ng Idrius - kung saan ang liwanag ng isang libong pananakop ay nagniningning sa walang hanggan - ang bawat aspeto ng kalawakan ng Imperyal ay nagpapakita ng masikap na pagsisikap ng ating mga mamamayan ng Factory World na itaguyod at pagbutihin ang ating mayamang kultura ng legasiya. Hindi tulad ng ibang mga paksyon, ipinagmamalaki namin ang aming pamana.

Pagkatapos ng lahat, hindi ba ang nakaraan ang nagbibigay daan patungo sa hinaharap?

Ang Imperyo[edit | edit source]

Bagama't ang Pederasyon ang masasabing pinakamatanda sa mga paksyon, tiyak na hindi na ito ang pinakamalaki. Nakuha na ito ng Imperyo, na sa nakalipas na ilang siglo ay lumago nang husto sa kayamanan at laki. Ang mga pagsisikap ng militar ng Imperyo ay nagantimpalaan ng sunod-sunod na tagumpay, lahat ng ito ay dahil sa patnubay ng dakilang Imperador, si Solas Craine. Hindi rin nakakagulat na ang mga mamamayan ng Imperyo ay gumagalang sa kanilang Imperador. Dahil siya ang dahilan kung bakit nakamit ng Imperyo ang maluwalhating estado nito ngayon. Ang karangalan, kaluwalhatian at tradisyon ang nagtutulak sa likod ng Imperyo para sa pagpapalawak nito. Hawak ng Imperador ang ganap na kapangyarihan, ngunit sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang mga mamamayan ay maaaring mamuhay nang payapa, sa magulong mundong ito.

Nahanap ng Imperyo ang tahanan nito sa pinakamalaking sistema ng mga planeta. Matatagpuan sa gitna nito ang kabisera, ang pinakamalaki sa lahat ng planeta at ang tahanan ng Sambahayang Imperyal at iba pang elite at royalty. Napapaligiran ito ng iba pang mga planeta, kung saan ang ilan ay ginagamit para sa industriya o komersiyo, habang ang iba ay pinananatili bilang Edens, mga personal na paraiso para sa mga nakakuha ng pabor ng Imperador. Sa loob ng Imperyo, ang katapatan ay ginagantimpalaan. Maghatid ng karangalan sa pinakadakilang paksyon at ang kapangyarihan, kayamanan, at katayuan ay ipagkakaloob sa inyo.

Tulad ng Pederasyon, napansin rin ng Imperyo na pinupuna siya ng ibang mga paksyon. Ang mga akusasyon ng paniniil at pang-aapi ay nangunguna, kasama ang mahigpit na hierarchical na doktrina na dapat tiisin ng mga tao nito. Para sa Pederasyon, ang Imperyo ay itinuturing na napakahigpit at mapaniil. Para sa Unyon, ang Imperyo ay isang lipunan ng mga mayayamang malulupit at naaaping mga tao.

Artepakto ng Imperyo: Ang Oracle[edit | edit source]

Nakikita sa itaas ng kumikinang na poste na nasa ilalim ng isang makintab na simboryo ng tinabas na marmol ang Oracle, na nakikipag-usap gamit ang "kanta" nito. Tanging ang Imperador, sa kanyang dakilang karunungan, ang nagpapalit sa awit na ito bilang propesiya. May malawak na mga teorya tungkol sa kung paano ito posible, ngunit walang konkretong naihayag tungkol sa maimbot kasangkapan ng Imperador. Ito ay inilarawan bilang "nakakulong sa malalaking hanay ng mga pabilog na piraso ng metal, halos para bang ang Oracle ay isang kumpol ng mga laso na dahan-dahang pinapakita angg sarili nito." Ang ilan sa nakakita nito ay nasisindak sa kalidad ng panghihili nito.

Bagama't itinuturing itong pangunahing salik na nag-aambag sa hindi matitinag na katayuan ng Imperador sa kapangyarihan, hindi lang siya ang madalas na pumupunta sa silid na kinaroroonan ng Oracle, na kilala bilang Sybil. Ang mga Tagapangalaga ng Oracle, sa pamamagitan ng pananampalataya at debosyon, ay tagapangasiwa sa Artifact. Naniniwala sila sa kakayahan ng Imperador bilang patunay ng kanyang pagiging lehitimo, kaya araw at gabi, mapagkumbaba silang naglilinis at nagdarasal sa loob ng silid na puno ng kanta nito, marahil ay di naririnig ang anumang mensahe.

Sa pangkalahatang populasyon ng Imperyo, ang Oracle ay may malalim na kultural na kahalagahan, kapwa may kaugnayan sa Imperador at sa sarili nitong mga merito. Makikita ito sa mga kolokyal tulad ng "By the Oracle" na ginagamit ng mga sibilyang Imperyal. Bagaman ito ang kasangkapan ng kanilang minamahal na Imperador, wala silang alam sa pangamba ng Unyon o Pederasyon tungkol dito. Ang lihim na nakapalibot sa mga pag-andar ng Oracle ay nagbunsod sa marami sa mga paksyon na pagtataka tungkol sa kung ano ang maaaring maging mga kawalan nito. Isinasakripisyo ba ng Imperyo ang mga mamamayan ng mga kolonya ng Forge sa Oracle? O mayroon bang ilang mga ritwal, na isinasagawa nang lihim sa loob ng mga dingding ng Sybil, na maaaring magbigay ng paniniwala sa kahit sa pinakamadilim na gawain ng Imperyo? Anuman ito, tila ang Imperador lamang at posibleng piling iilan ang nakakaalam ng mga sikretong ito.

Sistema ng Ranggo ng Imperyo[edit | edit source]

Ang Emperador ay nagsagawa ng mga seleksyon para sa inyong opisyal na ranggo at titulo. Kanyang ibinibigay ang espesyal na parangal kay @Cal | Restitutor Orbis. Ang mga ito ay nakahilig sa inyong mga ranggo sa inyong pasaporte.

1. Servitor - 25 puntos

2. Milites - 50 puntos

3. Optio Centuris - 100 puntos

4. Centurion - 250 puntos

5. Consul - 500 puntos

6. Primus Pilus - 1000 puntos

7. Striped Tribune - 2500 puntos

8. Praefect - 5000 puntos

9. Archon - 10000 puntos

10. Hand of the Emperor - 25000 puntos