Pederasyon

From Planet Quest Wiki
Jump to navigation Jump to search
Federation Legendary Insignia
Ang Legendary Insignia ng Pederasyon

Panimula[edit | edit source]

Nalulugod ang Pederasyon sa inyong pagdating! Bilang Explorer, wala kayong mapipili pang mas mahusay kaysa dito; ang aming paksyon ay itinayo sa likuran ng mga taong nagtagumpay sa malawak na kaligiran ng kalawakan, nagtatayo ng mga ruta ng kalakalan at imprastraktura na nakatayo pa rin ngayon, pagkatapos ng pagkawasak ng sistema ng Sol.

Ang Pederasyon ay isang lipunang binuo sa mga prinsipyo ng kalayaan at teknolohikal na kaunlaran. Ito ay isang demokratikong sistema na may tatlong Pangulo na namumuno sa populasyon nito. Ang Pederasyon ay nailunsad upang bumuo ng isang mundo ng indibidwal na kalayaan, tagumpay at pagsisikap para sa mga mamamayan nito.

Sa loob ng Pederasyon palagi kayong may boses, salamat sa malaking parte ng Nexus: isang sinaunang artifact na nauna pa sa sangkatauhan. Mula sa loob ng Howitzer - ang ating sentral na istasyon ng pamahalaan - ang Nexus ay nagpapadala ng datos sa tatlong sektor ng espasyo ng Pederasyon sa mabilisang paraan. Bukod sa ating sentral na pamahalaan, ang bawat sektor ay pinamumunuan ng isang Pangulo, na tumatayo bilang tagataguyod ng kung ano ang magagawa ng isang malayang indibidwal.

Kahit na ang teknolohikal na kahusayan ng Pederasyon ay pangalawa sa wala, nangangailangan ito ng wastong pangangasiwa upang magamit nang mas epektibo. Ang pagbabalanse ng kapangyarihan at istraktura ay isang mahirap na gawain, at ang mga galactic Corporation tulad ng VasTech ay tumutulong sa pagbibigay ng balanseng iyon para sa kapakinabangan ng ating mga mamamayan. Ito ay isinasagawa upang lumikha ng isang matatag na sistema kung saan maaari niyong gamitin ang iyong indibidwal na kalayaan, habang ang Pederasyon ay nagtatrabaho upang protektahan ang ating mga hangganan sa harap ng anarkiya at karahasan.

Dapat tayong manatiling mapagmatiyag kung nais nating panatilihing nasa himpapawid ang bandila ng kalayaan dito sa malawak at mapanganib na kalawakan.

Ang Pederasyon[edit | edit source]

Una sa lahat, ating tingnan ang paksyon na kilala sa pagiging pinakamatandang pangkat na nagsaliksik sa kalawakan na nananatili hanggang ngayon, ang Pederasyon. Marami sa mga grupo o paksyon ang unang nagtungo sa kalawakan ngunit dahan-dahang tumigil o di na kayanng panatilihin pa ang kahalagahang pampulitika, sa kabaliktaran ang Pederasyon ay umunlad mula sa sandaling ang sangkatauhan ay nagtungo sa mga bituin. Itinatag nila ang una at pinakadakilang kolonya ng Martian, at di kalaunan, nagkaroon pa nga ng monopolyo sa kalawakan at lahat ng maiaalok nito. Pagkatapos ng maraming siglo kung saan ang kanilang tagumpay ay makikita pa rin. Ito ay nagpakita ng kanilang mayamang komersiyo, mahusay na pagtatag na mga ruta ng kalakalan na nakaugat sa mga prinsipyo ng indibidwal na merito at pagnenegosyo. Nahanap ng Pederasyon ang tahanan nito sa trifecta ng mga planeta, na konektado sa napakalaking istasyon ng kalawakan. Ang istasyong ito ay nagsisilbi rin bilang pang-ekonomiya at diplomatikong hub ng Pederasyon.

Ang bawat planeta ng Pederasyon ay pinamumunuan ng demokratikong inihalal na pangulo. Ang mga pangulong ito ay nagtutulungan upang matiyak na ang bawat mamamayan ng Pederasyon ay malayang kumita sa umuunlad na ekonomiya at hikayatin ang pagbabago at pagsulong ng teknolohiya. Sa katunayan, halos walang limitasyon sa mga personal na kalayaan ng mga tao ng Pederasyon. Ang mga desisyon ay batay sa demokratikong paraan kabalikat ng pansariling interes at matatag at maayos na istrukturang pampulitika at pamamahala. Upang mapanatili ang posisyon nito, ang Pederasyon ay lumikha ng mga institusyon upang suportahan ang pag-unlad ng kapital ng tao at bigyang kapangyarihan ang mga miyembro na maabot ang kanilang buong potensyal.

Gayunpaman, mayroon paring kaguluhan sa tila paraisong ito — ang Pederasyon ay regular na pinupuna ng ibang mga paksyon. Inaakusahan sa kawalang-interes at kawalang pakialam sa mga pinakamahihirap na mamamayan nito, kulang sa etikal at moral na mga birtud dahil sa labis na kultura ng mamimili pati na rin ang tahasang katiwalian. Para sa Imperyo, ang Pederasyon ay pinapairal ng katuwaan at walang karangalan sa gitna ng maraming iba pang mga kritisismo. Para sa Unyon, ang Pederasyon ay pnangingibabawan ang matinding pagkabaluktot at pagkamataas.

Artepakto ng Pederasyon: Ang Nexus[edit | edit source]

Protektado sa loob ng napakalaking pangunahing istasyon ng kalawakan ng Pederasyon ang Nexus. Ito ay may kakayahan sa agarang paglipat ng impormasyon sa karamihang kolonisadong espasyo, at posibleng higit pa. Inilarawan bilang "ang pinakamakapangyarihang aparatong pangkomunikasyon na ginamit kailanman," ito ay nakahihigit at pinabilis na pinalawak na network ng kalakalan ng Pederasyon. Nakatulong ito sa pagpapanatili ng buong alyansa ng paksyon at may limitadong paggamit din ng Pandaigdigang Konseho. Sa kabaligtaran, ang ibang mga paksyon ay may mas mabagal na mga sub-optimal na non-Nexus exchange network. Halimbawa, habang ang mga sasakyan ng Pederasyon ay nagsasagawa ng kanilang mga order, ang Imperyo ay tatanggap ng kanilang order at sa una lamang, hindi sa buong fleet. Kaya, sa mga usaping nauugnay sa tunggalian, bagaman hindi ang pinakamalakas sa militar, ang Pederasyon ay kayang tumugon kasama ang buong armada ng walang kapantay na paggalaw at bilis na pagtugon.

Sa ekonomiya, kahit anong korporasyong Pederasyon, o indibidwal ay may kakayahan na maki-komunika kaagad,humingi ng orders, mga istak para sa supply at kahit anong komunikasyong pangmbilisan. Ang susi sa seguridad na ito ay ang bilis ng paghahatid ng data at ang agham ng Pederasyon na gumagamit ng dayuhang teknolohiya. Ang pag-encrypt ay gawa ng tao na hindi nalalapat sa Nexus. Kaya, kung ang data ay ipinadala sa isa pang paksyon, posibleng mabasa ito nang walang tulong ang agham ng Pederasyon, ngunit may kabayaran. Mayroong ibang matatapang, na kilala bilang Nexus Divers, na itinatapon ang kanilang mga sarili sa maelstrom ng impormasyon, upang hanapin ang mga bihirang data na pwedeng ibenta sa pinakamataas na bidder ngunit may kabayaran ang matinding pagkapagod at pangmatagalang pinsala sa kanilang mga pag-iisip.

Sinubukan ng mga siyentista na siyasatin ang mga misteryo ng agarang paglilipat ng impormasyon na ito, ngunit hindi sila nagtagumpay. Sa ngayon, walang paraan upang makopya ang lawak, abot, at bilis ng Nexus. Tiyak, ito ang pangunahing sandata ng Pederasyon, dahil nagbibigay ito ng walang pantay na saklaw ng pagpapalawak ng ekonomiya, nguinit wala itong katumbas na alternatibo, ang pagkawasak nito ay ang pagbabalik sa Pederasyon sa maraming siglo at mailalagay ito sa isang delikadong posisyon kumpara sa ibang mga paksyon.

Sistema ng Ranggo ng Pederasyon[edit | edit source]

Ang Sistema ng Ranggo ng Pederasyon ay ibinase sa ideya nina Boslee at Cea Barr, makikita niyo ito sa inyong pasaporte mamamayan ng Pederasyon.

1. Cadet - 25 puntos

2. Privateer - 50 puntos

3. Pathfinder - 100 puntos

4. Lieutenant - 250 puntos

5. Helion Commander - 500 puntos

6. Captain - 1000 puntos

7. Commodore - 2500 puntos

8. Pioneer - 5000 puntos

9. Solarian General - 10000 puntos

10. Galaxian Marshall - 25000 puntos